^

Bansa

Impeachment ni Lozano ‘kulang sa porma’- solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Babalewalain na lamang ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon ang impeachment complaint na isinumite sa kanila ni Atty. Oliver Lozano para i-endorso dahil sa pagiging “insufficient in form and substance.”

Sinabi ni Ridon na bagamat ikinatuwa nila ang pagsisikap ni Lozano sa paghahain ng impeachment complaint ay naniniwala silang mahina ang argumento ng limang pahinang verified complaint nito at bigo rin matugunan ang mahigpit na standards na isinasaad sa Konstitusyon.

Noong Huwebes personal na dinala ni Lozano ang reklamo sa tanggapan ni Ridon sa Kamara para sa kanyang endorsement.

Isinaad ni Lozano sa kanyang reklamo na ang pagkakasangkot ni Presidente Aquino sa Disbursement Acceleration Program (DAP), kabiguan na matugunan ang Zamboanga siege at problemang dala ng bagyong Yolanda, ang basehan ng kanyang impeachment complaint.

Subalit inihayag ni Ridon na hindi niya i-eendorso ang complaint ni Lozano dahil sa ginawa nilang pagre-review ay nakita nilang kulang o grossly insufficient in form and substance ang impeachment ng abogado.

Hindi umano binanggit ni Lozano kung papaano nilabag ng Pangulo ang Konstitusyon sa paggamit ng DAP.  

Inihayag ng mambabatas na maghahain sila, kasama ang iba pang youth organizatioans tulad ng Youth Act Now!, sa paghahain ng hiwalay na impeachment complaint sa Hulyo 14.

Sinabi pa ni Ridon na malapit na rin nilang matapos ang ihahain nilang kasong malversation laban naman kay Budget Sec. Butch Abad at inaasahang maisasampa nila ito sa Office of the Ombudsman.

 

vuukle comment

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KABATAAN PARTYLIST REP

KONSTITUSYON

LOZANO

NOONG HUWEBES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OLIVER LOZANO

RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with