^

Bansa

Hirit ng Senador Anak ni Napoles kasuhan na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihirit kahapon ni Senador Bam Aquino na dapat kasuhan na rin ang anak o mga anak ni Janet Lim Napoles at iba pang nakinabang sa P10-bil­yong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ayon kay Aquino, hindi maaring palampasin ang mga anak ni Napoles lalo pa’t mismong ang mga whistleblo­wers ang tumestigo at nagpatunay na kasama sila sa mga nameke ng pirma sa mga pekeng benepisyaryo ng Malampaya Funds.

“Paano hindi madadamay ang kanyang mga anak gayung tumestigo ang mga whistleblowers na sila ang nameke ng pirma ng mga pekeng benepisyaryo ng Malampaya Fund,” sabi ni Aquino.

Naniniwala si Aquino na kapag hindi sinampa­han ng kaso ang mga anak ni Napoles ay  magkakaroon ng maling impresyon ang publiko na maaari nang makalusot ang sinuman kahit nagnakaw pa ng bilyun-bilyong piso.

Ginawa ni Aquino ang reaksiyon matapos mapaulat na hiniling ni Napoles sa pamahalaan na huwag idamay ang kanyang mga anak sa kaso.

Ayon pa sa senador, nabanggit din ng whistleblowers na sina Jo Christine at James Christopher ang tumanggap ng pondo na ibinigay sa pekeng Non-Government Organizations (NGOs) kapag wala si Napoles sa bahay.

vuukle comment

AQUINO

AYON

JAMES CHRISTOPHER

JANET LIM NAPOLES

JO CHRISTINE

MALAMPAYA FUND

MALAMPAYA FUNDS

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with