^

Bansa

Napoles sinungaling, 'di dapat paniwalaan - Baligod

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Duda ang abogado at plunder complainant na si Levito Baligod sa salaysay ni Janet Lim-Napoles na ibinigay ni dating senador Panfilo Lacson sa Senado.

Sa isang panayam sa radyo sinabi ni Baligod na may ibang gumawa ng listahan na ibinigay kay Lacson.

"Naniniwala ako na mayroong naghanda sa papel na 'yan, hindi si Ginang Napoles at ang mga tao sa likod ng papel na 'yan ay 'yung mga nasasakdal ngayon, na hindi niya idiniin sa papel na 'yan at hindi pa niya isinali," wika ni Baligod ngaoyng Miyerkules.

Kaugnay na balita: Ruby Tuason utak ng Malampaya scam - Napoles

Si Baligod ang nagsampa ng kasong plunder kina senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla Jr.,  na kalaunan ay hinatulan ng Office of the Ombudsman na sankot sa umabuso sa Priority Development Assistance Fund.

"Hanggang ngayon, nagsisinungaling pa rin si Ginang Napoles at hindi siya dapat paniwalaan."

Sinabi ni Lacson na ang asawa ni Napoles ang nagbigay sa kanya ng naturang listahan, ngunit sinabi ni Baligod na ang ibang pangalan sa listahan ay walang nakasuportang ebidensya.

Kaugnay na balita: Napoles: De Lima tatakbong senador

"May mga sinasabi siya d'yan na imposibleng magkaroon siya ng personal knowledge pero nailagay d'yan ... Hindi ko maintindihan 'yung batayan niya sa paglista ng mga senador at congressmen," komento ni Baligod.

Dagdag niya na may mga pangalang nasa listahan dapat ang nawala, habang ang iba ay nadagdag.

"Mayroon din ho siyang hindi isinali. Pero mayroon din siyang isinali na tatlo na hindi dapat kasali dahil alam ko po 'yung kwento tungkol sa tatlong seating senators na 'yan."

Kaugnay na balita: Abad kumpiyansang tiwala pa rin si PNoy sa kanya

Aniya may isang senador na ayaw ilagak ang kanyang PDAF sa mga pekeng non-government organization ni Napoles ang naisama sa listahan ng mga sangkot sa pork scam.

Siyam na nakaupong senador at dalawang dating senador, kabilang ang namayapa nang si Robert Barbes ang nasa listahan umano ni Napoles.

"So kung nagsali siya ng hindi na incumbent, e hindi niya isinama 'yung mga lima pang senador na hindi na senador ngayon," Baligod.

Kaugnay na balita: Listahan ni Lacson sa pork scam ibinigay na sa Senado

Napansin pa ni Baligod na wala ang pangalan ng dating assistant ni Enrile na si Jessica “Gigi” Reyes, habang pinabulaanan na kasama si Budget secretary Butch Abad.

vuukle comment

BALIGOD

GINANG NAPOLES

KAUGNAY

LACSON

LISTAHAN

NAPOLES

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with