^

Bansa

Palasyo umaasang matatapos agad ang pork barrel probe

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa ang Palasyo na mabilis na matatapos ang kaso ng pork barrel investigation sa gitna ng pangamba ng mga whistleblower na baka tapos na ang term ni Pa­ngulong Aquino ay wala pang nangyayari sa kaso.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., kaisa ng mga whistleblower ang Malacañang at mamamayan para sa mabilis na pagkakaroon ng hustisya sa imbestigasyon ng pork barrel scam.

“Kaisa po kami ng mga mamamayan na nagnanais na magkaroon ng kalutasan at ganap na pananagutan ng mga lumabag sa batas at ng mga nagkasala sa taumbayan sa umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan,” wika ni Coloma.

“Kaya lang po iginagalang din natin ang pagiging indipendiyente ng Ombudsman na kasalukuyan pong sinusuri pa ang mga impormasyon at complaint na naihayag sa kanila at umaasa po tayo na ang mga proseso ng batas ay gaganapin sa tamang paraan at mapapanagot ang mga may pananagutan,” dagdag ng PCOO chief.

May pangamba ang mga witness na mabalewala ang kanilang pag­lantad kapag hindi ito natapos sa termino ni PNoy.

 

vuukle comment

AQUINO

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

HERMINIO COLOMA JR.

KAISA

KAYA

MALACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with