^

Bansa

Contractor ng bunkhouses sibakin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sibakin na lang ang contractor ng mga bunkhouses ng mga biktma ng super typhoon Yolanda sa Leyte at Samar at bigyan ng mga materyales sa paggawa ng bahay ang mga residente dito upang sila mismo ang gumawa ng sarili nilang tirahan at mabuhay muli ang “Bayanihan” sa mga biktima ng naturang bagyo.

Ito ang suhestiyon ni Buhay Yaang Yumabong partylist Rep. Lito Atienza bunsod sa ulat na overpricing at substandard ng bunkhouses para sa mga biktima ng Yolanda.

Sabi ni Atienza, kahit boluntaryo ang mga contractors at isinasantabi muna ang kanilang kikitain dito ay mayroon pa rin mga alegasyon na kumukuha pa rin sila ng komisyon kaya naaantala ang long term rehabilitation efforts ng gobyerno sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyo.

Iminungkahi ni Atienza na sibakin ang mga contractors at hayaang ang mga biktima na lamang ang mismong gumawa ng kanilang bagong bahay upang maisantabi na ang mga alegasyon na pinagkakakitaan lamang ito.

Bukod sa materyales ay maaari din magbigay ang gobyerno ng plano na susundin ng mga gagawa sa ganitong paraan ay makakatipid pa ang gobyerno sa labor at mapapabilis ang konstruksiyon dahil nais na rin nila agad itong matirhan.

 

vuukle comment

ATIENZA

BAYANIHAN

BUHAY YAANG YUMABONG

BUKOD

IMINUNGKAHI

LEYTE

LITO ATIENZA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with