^

Bansa

Taxi salpok sa poste: Driver, pasahero dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang tsuper at ang pasaherong babae nito makaraang magkayupi-yupi ang sinasakyang taksi na sumalpok sa isang posteng bakal sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Nagtagal pa bago natanggal sa nawasak na taxi ang mga biktimang sina Joshua Mag-aso, 26, ng  F. Ortigas St., Mandaluyong City; habang patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan sa nasawing babae na tinatayang nasa 5 talampakan ang taas, nasa pagitan ng edad 20-25 anyos, maputi, nakasuot ng itim na sando, maong na pantalon at abuhing sapatos.

Sa ulat ng Mandaluyong Police-Traffic Unit, naganap ang insidente dakong alas-2 ng mada­ling araw sa kahabaan ng Shaw Boulevard malapit sa Pilar Street sa naturang lungsod.

Ayon sa isang saksi, napakabilis umano ng takbo ng Crown taxi na minamaneho ni Mag-aso nang mawalan ng kontrol at sumalpok sa posteng bakal dahilan para magkayupi-yupi ang sasakyan.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Mandaluyong Rescue Unit ngunit natagalan bago matanggal sa pagkaka-ipit sa loob ng sasakyan ang dalawang biktima.

vuukle comment

AYON

JOSHUA MAG

KAPWA

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG POLICE-TRAFFIC UNIT

MANDALUYONG RESCUE UNIT

ORTIGAS ST.

PILAR STREET

SHAW BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with