^

Bansa

P125 Wage hike bill, aprubahan na! – KMU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil nasimulan na ang regular na sesyon ng 16th Congress, iginiit kahapon ng militanteng grupo ng manggagawa na Kilusang Mayo Uno (KMU) na iprioridad ang agarang pag apruba sa P125 wage hike bill.

Ayon sa KMU, mahalagang mabigyang daan ang agarang pagpasa sa naturang bill dahil ito lamang anila ang sagot sa kasalukuyang kahirapan ng maliliit na mamamayan sa bansa.

Binigyang diin ni Roger Soluta, secretary general ng KMU, hindi na dapat magpatumpik tumpik pa ang mga mambabatas sa pag apruba sa wage hike bill dahilan sa matagal na itong iniisnab para maaksiyonan.

Anya, ang panukala  para sa  P125 across-the-board wage hike nationwide ay naisampa noon pang taong 2001 at ang panukalang nabanggit ay muling nai-file ngayong  16th Congress para muling mabigyang daan na maaprubahan ng Kongreso.

“The country’s regional wage boards should be abolished for refusing to grant a significant wage hike and intensifying hunger and poverty among workers. It’s Congress and the Senate which should respond to calls for a wage hike,” pahayag pa ni Soluta.

Nananawagan din si Soluta sa mga mambabatas na huwag padidikta sa Malakanyang bagkus ay unahin ang kapakanan ng maliliit na mamamayan na makaa­ngat sa kahirapan sa  pamamagitan ng pagkakaloob ng wage hike.

 

vuukle comment

ANYA

AYON

BINIGYANG

CONGRESS AND THE SENATE

DAHIL

KILUSANG MAYO UNO

ROGER SOLUTA

SOLUTA

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with