^

Bansa

Dangwa dinayo ni Cayetano para kay misis

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong araw ng mga puso ay maging mga matataas na opisyal ng pamahalaan ay nagtutu­ngo rin sa Dangwa upang makabili ng maganda at mas murang bulaklak sa kanilang mga minamahal.

Si Senate Minority Leader Alan Peter Caye­tano ay nag-ikot sa Dang­wa Flower Market para personal na bumili ng bulaklak sa asawang si Taguig Mayor Lani Caye­tano kasabay na rin nito ang kanyang pakikipag-usap sa mga vendor para malaman ang kanilang mga hinaing.

Sinabi ni Cayetano na napatunayan niya na fresh at mas mura ang bulaklak sa Dangwa kung kaya naman dinarayo ito ng mga kalalakihan at sa kanyang pagtanya ay nakatipid din ito ng malaki kumpara kung sa ibang lugar bumili.

“Huwag naman sa­nang isipin ni Lani na nag­titipid ako. Surprise ko ito sa kanya,” sambit pa ni Cayetano.

Sa kanyang pag-iikot sa Dangwa ay ilan sa mga flower vendor ang umamin na nauubos ang kanilang kinikita sa “5-6” scheme kung kaya naman isa sa kanyang suhestiyon ay magkaroon ng access ang mga vendor sa mga small at medium enterprises.

Tiniyak din ni Cayetano ang pagtatayo ng mga kooperatiba na makatutulong umano sa mga malilit na negosyo para makautang sa mas murang interes.

vuukle comment

CAYETANO

DANGWA

FLOWER MARKET

HUWAG

LANI

NGAYONG

SI SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYE

TAGUIG MAYOR LANI CAYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with