^

Bansa

Sin Tax Law pirmado na!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilagdaan na kaha­pon ni Pangulong Aquino ang Sin Tax Reform Bill sa isang simpleng sere­monya sa Malacañang.

Pinasalamatan ng Pa­ngulo ang liderato ng Kamara at Senado dahil sa pagpasa ng kontro­bersyal na Sin Tax bill na isa an­yang maagang pamasko sa sambaya­nang Fili­pino dahil inaasahang ma­kakalikom ng P33 bil­yon mula sa dag­dag na buwis sa sigarilyo at alak na gagamitin naman ng pamahalaan para sa health services ng sambayan.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga sumuporta sa panukala mula sa health sector gayundin sa mga non-governmental organizations at mga magsasaka ng tabako na naliwanagan sa kagandahan ng panukala.

Sinabi naman ni BIR chief Kim Henares, target din ng bagong batas na bukod sa makalikom ng mas mataas na buwis sa sigarilyo at alak ay ma­bawasan na rin ang mga smokers at umiinom ng alak para na rin sa ka­nilang kalusugan.

Inaasahan namang sunod na pipirmahan ng Pangulo para maging ga­nap na batas ang isa pang kontrobersiyal na Reproductive Health bill na pumasa na sa bicame­ral conference committee kamakalawa ng gabi.

Samantala, sa huling sandali bago isabatas ni Pangulong Aquino ang Sin Tax Bill ay nagmartsa at naglunsad ng kilos-protesta sa paanan ng tulay ng Mendiola. ang mahigit 3,000 manggagawa.

Kinundena ng Peoples Coalition Against Re­gres­sive Taxation (PCART) ang naisabatas na sin tax bill dahil umano sa karagdagang pasanin na iniatang nito sa taumbayan.

Ayon kay Gie Relova, tagapagsalita ng PCART, hindi makatarungan na mag­pataw ng kahit anupamang buwis sa dati nang nagdarahop na mang­­ ga­­gawa’t magsasa­kang Pilipino.

“Ang hindi matata­ng­ging intensyon ng Sin Tax Reform Law ay pa­gaanin ang pagpasok at paglawak ng market share ng dambuhalang korporas­yong dayuhan kapalit ng pagdurusa ng mga magsasaka ng tabako at manggagawa ng siga­rilyo. Intensyon din nitong suklian ang mga pandaigdigang pinans­yal na institusyon sa gi­nawa nilang pagtaas ng credit ratings ng Pilipinas,” pahayag pa ng PCART.

 

vuukle comment

GIE RELOVA

KIM HENARES

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PEOPLES COALITION AGAINST RE

REPRODUCTIVE HEALTH

SHY

SIN TAX

SIN TAX BILL

SIN TAX REFORM BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with