^

Bansa

Mabilis na ayuda sa Pablo victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa mabilis na pag-aksyon ng mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga nasalanta ng bagyong Pablo mas napadali umano ang paghahatid ng pagkain, damit at iba pang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa ilang mga probinsiya sa Mindanao.

Ayon kay Social Welfare Secretary Corazon ‘Dinky’ Soliman, hindi pa man nagla-land fall ang bagyo, nakatanggap na ng ayuda ang kanyang departamento mula sa iba’t ibang sektor at grupo partikular na ang pamunuan ng iba’t ibang probinsiya gaya ng Isabela.

“As early as Monday or two days before the landfall of Pablo, we already received one thousand sacks of rice from Governor Bojie Dy of Isabela,” ayon kay Soliman.

Sinabi pa ni Soliman na malaking tulong ang ayuda mula sa Isabela at maging sa iba pang probinsiya gaya ng Pampanga, Albay at iba pa.

Iginiit pa ni Soliman na agad nilang tinanggap ang tulong dahil alam nilang bukal at sinsero ang hakbang na ginawa ng gaya ni Governor Dy at iba pang mga probinsiya  at katunayan, marami pa ang gustong tumulong na mga kilala at hindi kilalang personalidad.

Sa ngayon, marami pa ang hindi naaabot ng tulong mula sa DSWD pero tiniyak ni Soliman na sinisikap nilang mapabilis ang pag-ayuda para kahit paano ay mabawasan ang paghihirap ng mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

vuukle comment

ALBAY

AYON

DAHIL

GOVERNOR BOJIE DY OF ISABELA

GOVERNOR DY

IBA

ISABELA

SOCIAL WELFARE SECRETARY CORAZON

SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with