^

Bansa

Tauhan ng VM, umalma sa paratang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalma ang tauhan ng isang vice mayor sa San Rafael, Bulacan dahil sa umano’y paninira sa kanyang pagkatao dahil sa pagiging malapit nito sa kasalukuyang vice mayor na mahigpit na katunggali ng kasalukuyang alkalde sa darating na lokal na eleksyon sa darating na Mayo 2013.

Ayon kay Sonny Cruz, consultant ni San Rafael Vice Mayor Cipriano Goto Violago,  malakas ang hatak sa tao ni Violago at marami itong natutulungan kaya gumagamit na umano ng mga “dirty tactics” ang kanyang makakatunggali sa dara­ting na halalan at ibinibintang sa kanya ang mga nagaganap na karahasan sa kanilang lugar tulad na lamang ng pagkamatay ng dalawang kalalakihan upang kaladkarin ang pangalan ni Cruz.

“Malakas kasi si Vice Mayor Violago at saka gusto siya ng tao kasi malinis ang kanyang pa­ngalan kaya yung mga tao na malalapit  kay Vice Mayor na tulad ko ang pinupuntirya ng kanyang kalaban sa pulitika para sirain si Vice Mayor,” ani Cruz.

Nagtataka din umano ang kampo ni Violago na sa tuwing may magaganap na patayan sa kanilang lugar ay agad umanong pinupuntahan ni Mayor ang pamilya ng mga biktima upang kausapin at ibintang sa kanila ang naturang insidente.

Nanawagan din si Cruz sa chief of police ng San Rafael na si P/Supt. Rodolfo Hernandez na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at paigtingin, kampanya ng pulisya laban sa krimen upang tuluyang malutas ang mga kaso ng patayan sa kanyang nasasakupan at hindi nadadawit ang mga inosenteng tao.

vuukle comment

AYON

CRUZ

MAYOR

RODOLFO HERNANDEZ

SAN RAFAEL

SAN RAFAEL VICE MAYOR CIPRIANO GOTO VIOLAGO

SONNY CRUZ

VICE MAYOR

VICE MAYOR VIOLAGO

VIOLAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with