^

Bansa

CGMA 'wag ilipat ng kulungan - Enrile

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinontra ni Senate Pre­­sident Juan Ponce Enrile ang paglilipat kay dating Pangulong Gloria Arroyo sa isang ordinar­yong kulungan dahil posibleng pag-ugatan pa ito ng mala­ king gulo.

“Delikado yan politi­cally. Yun nga ang nagpabagsak sa rehimen ni President Marcos dahil may namatay. Marami ng beses na nangyari yan sa akin. Yung ngang snap election, namatay si Eve­lio Javier, dahil dun bumagsak din yung snap election ni Pres. Marcos kaya mahirap yung issue na yan,” sabi ni Enrile.

Napaulat na may mga naggigiit na ilagay sa or­dinaryong kulungan si Arroyo dahil bumubuti na umano ang kalagayan nito.

Ipinaalala ni Enrile na naging presidente pa rin ng bansa si Arroyo at hindi pa naman ito napapatunayang nagkasala.

“Huwag naman sana dahil naging presidente yan ng bayan eh. Maski naging napakasama ng paningin ng iba sa kanya, no matter how bad they think about her she is pre­sumed to be innocent until she is really convic­ ted,” sabi ni Enrile.

Ang balita pa umano ni Enrile na hindi pa rin talaga mabuti ang lagay ni Arroyo kaya hindi dapat ipilit na ilagay ito sa ordinaryong kulungan.

“Ang balita ko critical pa rin yung dating presidente, hindi makalulon at liquid lang ang kinakain nya at walang mga doctor dito na gustong humawak sa kanya. Palagay ko pag may mangyari dyan mala­king usapin yan,” babala ni Enrile.

vuukle comment

DELIKADO

ENRILE

HUWAG

IPINAALALA

JAVIER

JUAN PONCE ENRILE

PANGULONG GLORIA ARROYO

SENATE PRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with