^

Bansa

Presyo ng gulay, isda at karne sa Negros tumaas!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dalawang araw matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol sa Visayas Region, nagtaasan na ang presyo ng gulay, isda at karne sa Negros Oriental laluna sa mga bayang higit na sinalanta ng trahedya.

Ayon kay Agriculture assistant secretary Salvador Salacup, inatasan na ni DA Secretary Proceso Alcala ang mga regional directors ng DA sa mga kalapit na rehiyon na kausapin ang mga supplier sa mga hindi apektadong lugar na magpadala ng suplay ng agricultural products sa Negros Oriental upang hindi na tumaas pa ang halaga ng naturang mga bilihin dahil magiging sapat ang suplay ng mga ito doon.

Paliwanag ni Salacup, sa ganitong paraan mapupunan ang kakapusan ng suplay at maibababa ang presyo ng mga agricultural product.

Pinamamadali na rin ng DA sa National Food Authority (NFA) ang pagpapadala ng bigas sa Negros Oriental.

Sa talaan ng DA, umabot na sa P68 milyong halaga ng irigasyon ang nasira sa irrigation system sa Negros Oriental habang nasa P7 milyon naman ang nasira sa fisheries sector.

Pinamamadali na ni Alcala ang pagkumpuni sa mga napinsalang irigasyon laluna at nalalapit na ang panahon ng tag-araw.

vuukle comment

ALCALA

AYON

DALAWANG

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NEGROS ORIENTAL

PINAMAMADALI

SALVADOR SALACUP

SECRETARY PROCESO ALCALA

VISAYAS REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with