^

Bansa

Senado tikom pa ang bibig sa TRO

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Ayaw umanong husgahan ng Senado na tumatayong impeachment court sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pagpalabas ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang impeachment proceeding.

Sinabi ni Senate Pre­sident Juan Ponce Enrile na pantay lamang ang tungkulin ng Korte Suprema at ng Senado na hindi maaring hawakan ng bawat ahensiya.

“Hindi ko muna hu-hus­gahan ang magiging de­sisyon ng Mataas na Hukuman,” sabi ni Enrile.

Naunang iginiit ni Enrile na walang makakapigil sa kanila habang ginagawa nito ang tungkulin na nakasaad sa Konstitusyon.

Tahasang sinabi ng Pangulo ng Senado na kung may isyu ng pag-abuso sa kanilang panig bilang impeachment court ay saka na lamang ito lulutasin pagkatapos ng kanilang trabaho sa kaso ni Corona.

“Ngayon, kapag kami ay nagkamali at naging tirano o mapanupil kami sa aming desisyon, maaa-ring maging isyu na ito kinalaunan pagkatapos ng aming trabaho. Pero, habang nagtatrabaho kami, sa aking opinyon, walang sino man ang puwedeng makialam sa amin,” diin ni Enrile.

Bagamat nilinaw ng senador na tatalima pa rin ang Senado sa kautusan ng Korte Suprema na magkomento kaugnay   ng mga nakabinbin na TRO petition bilang paggalang na rin sa co- equal branch ng pamahalaan.

Buo ang paniniwala ng liderato ng Senado na hindi maglalabas ng TRO ang hukuman laban sa Corona trial dahil malinaw naman aniya na tanging ang kapulungan lamang ang may solong kapangyarihan na dinggin ang kaso ng punong mahistrado sa ilalim ng Kons­titusyon.

vuukle comment

AYAW

BAGAMAT

BUO

CHIEF JUSTICE RENATO CO

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

SENADO

SENATE PRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with