^

Bansa

Magsasaka nagmartsa vs Chacha

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng kilos protesta ang militanteng grupong magsasaka sa harap ng Department of Agriculture bilang simula sa pagdiriwang ng World Food Day sa Quezon City, kahapon.

Bitbit ang kanilang plakard na nagsasaad na “Pagkain ang kailangan hindi charter change” binatikos ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang administrasyong Aquino hinggil sa planong pagbabago ng Konstitusyon.

“Ang matinding ka­balintunaan sa World Food Day ay ang mga magsasakang Filipino, ang tunay na producers ng pagkain ay wala man lamang naihahatag sa kanilang mesa. Walang dapat na iselebra, sa halip ay tumitindig kami dito para magprotesta,” sabi ni Danilo Ramos KMP secretary general.

Giit ni Ramos, ang pagbibigay sa mga dayuhan ng lubos na karapatan para ariin ang lupa ay magdudulot ng kawalan ng karapatan sa mga magsasaka at hahantong lamang anya sa monopolya at kontrol sa lupain at mga produksyon sa agrikultura.

Ayon sa ulat, ang mga Filipinong mangingisda at magsasaka ay ang pinakamahirap na sektor sa bansa at madalas na magutom.

Sinabi pa ng grupo, ang higit na liberalisasyon sa agrikultura at ekonomiya ay humahantong sa pag-ulit ng kagutuman noong 1980’s na naranasan ng mga magsasaka at mga mahihirap sa Negros.

Nagbanta ang grupo ng malawakang kilos protesta sa harap ng DA alinsunod sa isang linggong selebrasyon ng  mga magsasaka.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BITBIT

DANILO RAMOS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FILIPINONG

KILUSANG MAGBUBUKID

QUEZON CITY

WORLD FOOD DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with