^

Bansa

5 katangian hanap ni PNoy sa susunod na Ombudsman

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nais ni Pangulong Aquino na ang susunod na Ombudsman ay ‘yung tunay na magiging tanod-bayan, magbabantay para sa tao, may integridad, kapasidad at matalino.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang mga kwalipikasyong ito ang hinahanap ni Pangulong Aquino sa susunod na Ombudsman.

Apat ang nasa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Aquino at mayroong hanggang Agosto 4 ang Presidente upang pumili ng susunod na Ombudsman sang-ayon sa Konstitusyon.

Hindi naman mabatid ni Valte kung magsasagawa pa ng interbyu ang Pangulo sa mga kandidato sa Ombudsman tulad ng ginawa niyang pagpili sa naging pinuno ng Comelec.

Samantala, mariing itinanggi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na kanyang ‘nilalakad’ kay Aquino na piliin si dating Justice Sec. Artemio Toquero bilang susunod na Ombudsman.

Matunog ang pangalan ni dating Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales na paboritong kandidato ni PNoy sa shortlist ng JBC para maging Ombudsman.

AGOSTO

APAT

AQUINO

ARTEMIO TOQUERO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SEC

PANGULONG AQUINO

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CARPIO-MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with