^

Bansa

Common terminal ng MMDA kinontra

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines -  Pinaiimbestigahan ni 1-Utak party list Rep. Homer Mercado ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magtayo ng common terminal para sa mga bus na bumibiyahe sa mga lalawigan.

Ayon kay Mercado na bukod sa usaping illegal, malaki ang perwisyong idudulot ng common terminal para sa mga pasaherong manggagaling mula sa mga lalawigan at tutungo dito sa Metro Manila.

Base sa natanggap na mga reklamo ng kongresista, bukod sa matinding abala sa mga pasahero dahil sa mangangahulugan umano ito na magpapa­lipat lipat ng sasakyan o dodoble pa umano ang magiging gastos ng mga ito sakaling matuloy ang plano ng MMDA para sa isang common terminal.

Nagbabala naman si Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) President Alex Yague na mauwi sa tinatawag na “transport crisis” ang plano ng MMDA.

Paliwanag pa ni Yague, hindi isinaalang-alang ng MMDA ang ilang isyu dahil kumpara sa mga provincial buses, hindi hamak na mas marami ang bilang ng mga AUV express na bumibiyahe mula sa lalawigan at Metro Manila.

Lalabagin din umano ng MMDA ang itinatadhana ng franchise system at ang inaasahang matinding epek­to para sa mga pasahero.

Una ng ikinakasa ng MMDA ang pagtatayo ng common terminal sa coastal road at sa Balin­tawak area sa Quezon City para sa mga bus na mangaga­ling sa Southern at Northern Luzon.

vuukle comment

AYON

BALIN

HOMER MERCADO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTHERN LUZON

PRESIDENT ALEX YAGUE

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with