^

Bansa

4 negosyanteng Hapon inireklamo ng employees

- Butch M. Quejada -

Manila, Philippines - Apat na Japanese officials ang nalalagay ngayon sa alanganin sanhi ng kasong sexual harassment, perjury o libel na isinampa sa kanila ng kanilang mga Pilipinong mangga­ gawa.

Si Masahiko Kita­batake, presidente ng Ingasco Inc., top provider ng industrial gases, ay sinampahan ng kasong sexual harassment sa Office of the City Pro­secutor sa Pasig City noong Pebrero ni Ingasco sales manager Fatima Hencianos, sa diumano’y sexual advance daw ng presidente sa isang party na naganap sa mismong opisina nila noong nakaraang taon.

Si Hencianos at ang kanilang cash disbursement manager na si Veronica Diaz ay nagsampa rin ng magkahiwalay na kasong libelo laban kay Kitabatake matapos silang akusahan ng trumped-up charges at magpaskil ng mga detalye nito sa bulletin board ng kumpanya.

Sina Hencianos at Diaz ay sinuspinde ni Kitabatake matapos umano silang paghinalaang kumikiling sa mga kumokontra sa pagsusog ng amended Articles of Incorporation (AOI) at by-laws ng Ingasco, kung saan ay inalis ang probisyon na ano-ano mang mahalagang decision o proyekto sa Ingasco ay maipatutupad lamang kung maaprubahan ng boto ng mga shareholders na humahawak ng at least 90% ng total shares ng kumpanya.

Tatlo pang Japanese director na nakaupo sa board ng Ingasco na sina Akihiro Marutani, Kunishi Hazama at Masahiro Shindo ang pinangalanan bilang res­ pondents sa isa pang kaso (perjury) laban sa kanila, na ngayon ay nakabinbin sa City Prosecutors ng Mandaluyong, dahil sa tangka nilang diumano ay linlangin ang Security and Exchange Commission (SEC) na naaprubahan ng mga shareholders ng kumpanya ang amended AOI and by-laws na nagtatanggal ng 90% voting requirement.

vuukle comment

AKIHIRO MARUTANI

ARTICLES OF INCORPORATION

CITY PROSECUTORS

FATIMA HENCIANOS

INGASCO

INGASCO INC

KITABATAKE

KUNISHI HAZAMA

MASAHIRO SHINDO

OFFICE OF THE CITY PRO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with