Pagpapaputok sa mga residential areas bawal na!
- Ni Malou Escudero () - January 1, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines –  Upang mas masigurado ang kaligtasan ng publiko sa mga susunod na pagsalubong sa Bagong Taon, iginiit ni Senator Miriam Defensor-Santiago na tuluyang ipagbawal ang lahat ng klase ng paputok o firecrackers kabilang ang mga pyrotechnic device sa mga residential areas.

Sinabi ni Santiago na mas matitiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at makakaiwas pa sa sunog kung wala nang magpapaputok sa mga mataong lugar.

Mapanganib din aniya sa kalusugan at kaligtasan ng mga tao ang mga paputok at kwitis dahil kahit doble na ang ginagawang pag-iingat ay may mga hindi pa rin nakakaiwas sa disgrasya.

Sa Senate Bill 1523 na inihain ni Santiago, inatasan nito ang mga lokal na pamahalaan na siyang magtakda ng firecrackers at pyrotecnic zones na hindi dapat bababa sa 200 square meters ang layo buhat sa residential area at kailangang isa lamang ito sa bawat barangay.

Ang lalabag ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng 6 hanggang 10 buwan at pagmumultahin ng P10,000 hanggang P50,000.

Kung magiging ganap na batas, ang Philippine National Police ang maglalatag ng implementing rules and regulations at makikipag-ugnayan sa mga LGUs.

Naunang isinulong ni Santiago ang panukala noong 14th Congress alinsunod sa rekomendasyon ni dating Health Secretary Francisco Duque.

SInabi ni Santiago na taon-taon na lamang ay nagiging problema ng DOH ang pagda­ming bilang ng mga nadidisgrasya sa paputok at kwitis.

BAGONG TAON HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE MAPANGANIB NAUNANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE SA SENATE BILL SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO SINABI UPANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with