^

Bansa

Insurance sa sasakyan minamadali sa Kamara

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines –  Pinaaaksyunan na ni Ang Kasangga partylist Rep. Teodorico T. Haresco, Jr. sa Kongreso ang panukalang nag-aamyenda sa umiiral na Insurance Code of the Philippines.

Sinabi ni Haresco, layon nitong maisingit ang probisyon na nagbibigay ng proteksyon o insurance sa mga sasakyan mula sa tinatawag na mga natural disaster tulad ng pagkawasak na idinulot ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Ayon kay Haresco, dapat agad talakayin at pagtibayin ang ipinupursige nitong House Bill 2672 sa sandaling magbalik ang sesyon sa Enero.

Sabi ni Haresco, bukod sa maraming buhay ang kinuha ng mga bagyo ay bilyong halaga ng mga imprastruktura at pribadong pag-aari ang nawasak.

Ayon kay Haresco, dumanas din ng hirap at kawalan ang mga may-ari ng sasakyan kahit may sinasabing comprehensive insurance plan na kanilang pinondohan ay hindi naman kasama sa sasagutin ang pagkasira dulot ng bagyo.

Gayunman, sa panukala ni Haresco, nais nitong ihanay sa car insurance coverage ang mga kalamidad tulad ng baha, landslide, bagyo, pagputok ng bulkan, lindol at iba pa.

vuukle comment

ANG KASANGGA

AYON

ENERO

GAYUNMAN

HARESCO

HOUSE BILL

INSURANCE CODE OF THE PHILIPPINES

KONGRESO

TEODORICO T

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with