^

Bansa

12 yrs. sa nagbebenta ng 'botcha'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na pag­kalat sa mga pamilihan ng mga double dead na karne lalo na sa Metro Manila, isinusulong na sa Senado ang panukalang patawan ng parusang anim hanggang 12 taong pagkabilanggo sa mga mahuhuli.

Sa Senate Bill 2612 na inihain ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, nais din nitong pagmultahin ng hindi bababa sa P50,000 pero hindi lalampas sa P200,000 ang mga mahuhuling nagbebenta ng double dead na karne o botcha.

Kung ang responsable ay korporasyon at pribadong kompanya, kasamang pananagutin ang presidente o manager o sinumang tauhan na may direktang kinalaman sa panloloko sa mga mamimili.

Papatawan din ng parusa ang tauhan ng National Meat Inspection na magpapalusot ng mga hindi ligtas na karne.

Sa kasalukuyang batas, kinukumpiska lamang ang karne na bagsak ang kalidad at kinakansela ang lisensiya ng meat dealer.

Anya, dapat magkaroon ng mabigat na parusa para sa mga nagbebenta ng botcha dahil inilalagay ng mga ito sa panganib ang buhay at kalusugan ng publiko.

vuukle comment

ANYA

DAHIL

KIKO

METRO MANILA

NATIONAL MEAT INSPECTION

PANGILINAN

PAPATAWAN

SA SENATE BILL

SENATOR FRANCIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with