Trabaho hindi 'dole-out' sa 2.3M mahihirap
- Doris Franche-Borja () - October 18, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dapat munang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang Conditional Cash Transfer (CCT) o pamimigay ng P21 bilyon sa may 2.3 milyong mahihirap sa bansa.

Ayon kay Kalookan Bishop Deogracias Iniguez, hindi umano maaa­ring basta na lamang mamahagi ang gobyerno ng pera sa mga mahihirap dahil ang “dole-out“ ay inilalaan para sa mga emergency cases. 

Naniniwala ag obispo na mababawasan ang underemployment at maiibsan ang nararanasang hirap ng 2.3 milyong “poorest of the poor” kung trabaho ang ibibigay sa kanila ng gobyerno sa halip na “doleout” o short term solution sa kanilang problema.

Mas magkakaroon din ng dignidad ang isang mahirap kung kanilang pinaghihirapan at pinagpapawisan ang perang ipapakain at ibubuhay nila sa pamilya.

Dapat anyang pagtrabahuhan ng isang pamilya ang ibibigay na P1,400 kada buwan na C-C-T ng pamahalaan para sila ay matuto at maging responsableng mamamayan.

“Maaari namang ga­wing street sweepers, palinisin ng mga baradong kanal,estero,ilog at kapaligiran ang mga benepisaryo ng Conditional Cash Transfer”, dagdag pa niya.

Maging ang Bibliya anya ay nagsaad na ang “ayaw magtrabaho ay huwag pakakainin”.

Kondisyon umano ng CCT na paaralin ang anak, ipa-check up ang buntis na miyembro ng pa­milya, sumailalim sa trai­ning at values formation.

AYON BIBLIYA C-C-T CONDITIONAL CASH TRANSFER DAPAT KALOOKAN BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ KONDISYON MAAARI NANINIWALA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with