^

Bansa

2 sa shoplifting ring nasakote

-

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawa sa pitong hinihinalang miyembro ng shoplifting syndicate na sakay ng isang van makaraang mag­­puslit ng dalawang lata ng powdered milk at 48 na piraso ng lotion sa isang kilalang mall sa Sta Cruz, Maynila kahapon ng tang­hali.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 4 ang mga suspek na sina Shiela Capito, 24, dalaga ng Blk. 21, Lot 7, Da­mata, Letre, Malabon City at Rolando Sagun, 53, driver, ng 928 Arias St., San Miguel, Maynila.

Sa ulat ni P/Supt Ramon Pranada, unang na­dakip si Capito na pa­pa­labas sa mall at nabawi sa kaniya ang dalawang pira­song gatas. Inalarma din sa pulisya ang pagsi­bad ng sasak­yang kinalu­lanan ng mga kasamahan ni Capito kaya nagkaroon muna ng habulan ng sa­sakyan na nagsimula sa mall sa Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila at nagta­pos sa Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng civilian security ng mall, dahil sa nadakip ang isa, nag­si­sakay ng van ang lima pang suspek at si Sagun at pinaharurot ang sasak­yan.

Nang humingi ng sak­lolo sa pulisya ang security personnel ay nagka­roon ng habulan hang­gang makorner si Sagun na na­bawian naman ng 48 pira­ng lotion na nina­kaw uma­no sa loob ng naturang mall.

Una umanong magka­ka­sama ang mga suspek sa kanilang get away vehicle na isang kulay dark green na Nissan subalit nang maabutan ay nawa­wala na ang iba pang sus­pek at tanging si Sagun na lamang na nagma­maneho ang nahuli. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARIAS ST.

CAPITO

LUDY BERMUDO

MALABON CITY

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

OROQUIETA ST.

SAGUN

SHY

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with