^

Bansa

Computerization ipatupad sa buong bansa - JDV

-

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Joey de Venecia III na hindi prak­tikal ang panukalang selective computerization para sa susunod na halalan sa 2010, dahil magiging daan lamang ito sa malawakang dayaan. 

Aniya, dahil imposible na ang pagkakaroon ng full automation sa darating na halalan, mas mainam na magkaroon na lamang ng partial computerization, maging ito man ay sa registration, sa pagbibilang ng balota, sa precinct level o sa national tally levels.

Makaraang i-disqualify ng Comelec ang lahat ng bidders, inabisuhan na la­mang ni Joey ang Comelec na mamili na lamang ng mga karapat-dapat na supplier mula sa Estados Uni­dos o sa Europa, sapagkat may mga positibong kara­nasan na rin sa computerization ang Amerika at Europa.

Sinabi pa ni Joey na ma­ laki ang tiwala niya sa mga kumpanyang mula sa US at Europa sapag­kat may ang­king galing ang mga ito sa paglaban sa ko­rapsyon upang pangala­gaan ang kanilang kara­ngalan.

Ayon pa kay Joey, na­ kakatakot ang panukalang mamimili na lamang ang gobyerno ng mga lugar sa bansa kung saan ipatutu­pad ang computerization, sa­pagkat mas magiging malaki ang tsansa ng da­yaan kung magkakagayon. (Butch Quejada)

vuukle comment

AMERIKA

ANIYA

AYON

BUTCH QUEJADA

COMELEC

ESTADOS UNI

MAKARAANG

SHY

SINABI

TAHASANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with