^

Bansa

34,000 jobless na!

- Nina Mer Layson At Victor Martin -

Dahil sa pandaig­di­gang krisis sa ekonomiya, ma­higit 34,000 pang mga manggagawa sa ilang pabrika at kumpanya sa hilaga at katimugang Luzon ang tinanggal sa trabaho. 

Batay sa datos ng Department of Labor and Employment, umaabot sa 33,713 trabahador ang nawalan ng trabaho sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Kabilang sa naturang bilang ang mga na-retrench, temporary layoff at nabawasan ng oras sa trabaho.

Sa nasabing datos hang­gang noong Enero 19, 2009, mayroon nang 17,252 apektadong mang­gagawa sa Cavite; 13,717 sa Laguna; 684 sa Ba­tangas; 2,013 sa Rizal; at 47 sa Quezon.

Kabilang sa mga kum­panyang naapektuhan ay nasa manufacturing, electronics, services, automotive at garments.

Umabot na rin sa 2,038 ang bilang ng mga nagsa­rang kumpanya sa nasa­bing rehiyon.

Tuluyan ding ng tina­pos ng Federal Express ang 13-taong operasyon nito sa bansa dahil na rin sa lu­malalang krisis pi­nansiyal.

Lumipad ang huling eroplano ng FEDEX mula sa base nito sa Subic, Zam­bales patungong Guang­zhou, China dakong alas 3:30 ng madaling-araw kamakailan na nag­bunga ng pagkasibak sa trabaho ng daang emple­yado.

Nakatakda rin magsara ang kompanyang Fujitsu Computer Products Corp. na nakabase sa Laguna da­hil pa rin sa pagkalugi bunsod ng pagbaba ng export industry.

Ayon sa DOLE, mawa­wa­lan ng trabaho ang ma­higit 1,750 empleyado dito.

Bunsod nito, umabot na sa 34,213 Pinoy na nagta­trabaho sa Calabar­zon area ang walang trabaho sa ngayon dahil sa sunod-sunod na pag­sasara ng mga kompanya dito.

Samantala, 500 katao ang tuluyan nang nawalan ng trabaho matapos ma­lugi ang dalawang negos­yante na nakabase sa Nueva Vizcaya at Isabela at magsara ang kanilang kumpanya.

Ang mga negosyong nagsara dahil sa pagkalugi ay ang Platinum Group Metals Corp.-Dinapigue Nickel Project na pag-aari ng Atayde family at ang Norma’s General Merchandise na negosyante ng palay and corn buying station, trucking, hardware at supermarket na nakabase sa bayan ng Bagabag sa Nueva Vizcaya.

vuukle comment

CAVITE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DINAPIGUE NICKEL PROJECT

FEDERAL EXPRESS

FUJITSU COMPUTER PRODUCTS CORP

GENERAL MERCHANDISE

KABILANG

NUEVA VIZCAYA

SHY

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with