^

Bansa

Bolante walang executive privilege

-

Hindi gagamitin ng Malacañang ang executive privilege upang pi­gilan si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante na tu­mestigo sa Senado ukol saP728-million fertilizer fund scam.

“We will not invoke executive privilege to keep Bolante from testifying before the Senate,” wika ni Press Secretary Jesus Dureza bilang reaksiyon sa pa­ hayag ni Justice Secretary Raul Gonzalez na pu­wedeng gamitin ang executive privilege upang mapigil si Bo­lante na sagutin ang ilang sensitibong kata­nu­ngan sa gagawing pag­dinig ng Senado sa su­sunod na linggo.

Bilang pribadong ma­mamayan, sinabi ni Du­reza na hindi sakop si Bolante ng executive privilege.

Opisyal lang ng gob­yerno ang maaaring gu­mamit ng executive privilege kapag ang mga is­yung pinag-uusapan sa congressional hearing ay may kinalaman sa national security.

“Like most of us, we also want the truth to come out so we can all put this issue to rest,” dagdag ni Dureza.

Samantala, muling iginiit ni Dureza na hindi manghihimasok ang Pa­lasyo sa imbestigasyon ng Senado sa pagsa­sabing iginagalang nito ang kalayaan ng Upper Chamber bilang co-equal branch ng gob­yerno.

At hindi rin takot ang Palasyo kahit tumestigo pa si Bolante sa Kon­greso ukol sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo, sabi pa ni Dureza. (Rudy Andal)

vuukle comment

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCELYN

BOLANTE

DUREZA

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

RUDY ANDAL

SECRETARY RAUL GONZALEZ

SENADO

SHY

UPPER CHAMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with