^

Bansa

83 domestic flights kanselado kay ‘Frank’

-

Kinansela kahapon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang 83 domestic flights sanhi ng patuloy na pag­sungit ng panahon dulot ng ma­lakas na bagyong Frank.

Sa inilabas na flight advisory ng MIAA da­kong alas-2 kahapon ng ha­pon, kanselado ang 26 na domestic flight ng Cebu Pacific, Asian Spi­rit 8, Sea Air 21, Philippine Air Lines 16, at Air Philippines 12.

Wala namang apek­tadong flight ang international flight subalit patuloy na minomonitor ang ka­lagayan ng panahon.

Ayon kay Engr. Bing Lina, Operations Chief ng MIAA, nagsasagawa ng contingency measures ang MIAA sakaling du­maan ang bagyo sa Metro Manila.

Idinagdag pa ni Lina na wala pang tiyak na schedule kung kailan lilipad ang mga kansela­dong flights.

Samantala, napag-alaman na magkakaroon ng emergency meeting ang PAL para sa posib­leng gawing evacuation sa lahat ng kanilang aircraft upang dalhin sa isang ligtas na lugar kung patuloy na susungit ang panahon. Nasa standby status ang lahat nitong piloto. (Butch Quejada)

vuukle comment

AIR PHILIPPINES

ASIAN SPI

BING LINA

BUTCH QUEJADA

CEBU PACIFIC

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

OPERATIONS CHIEF

PHILIPPINE AIR LINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with