^

Bansa

Lozada di pwede sa ‘immunity from suit’

-

Hindi umano maaaring bigyan ng Ombudsman si ZTE witness Rodolfo “Jun” Lozada ng immunity from suit o iipuwera ito sa anu­mang kasong maaaring isampa laban sa kanya dahil dalawang magka­ibang isyu ang NBN case sa kasong malversation of public funds na isinampa ng National Bureau of Investigation sa DOJ.

Inihayag ito ng isang doctor of laws kahapon kasabay ng pagpuna na ang immunity na nais ni Lozada ay posibleng indi­kasyon na batid nito na maaari siyang makasuhan dahil sa kaniyang mga nagawa o alam niyang siya ay nagsisinungaling sa kaniyang mga pahayag.

Ayon kay Dr. Arturo de Castro, isang propesor ng ba­tas sa mga pangunahing unibersidad at bar reviewer, sinumang nagsa­sabi ng ka­totohanan at walang anu­mang nagaga­wang labag sa batas ay hindi nanga­ngaila­ngan ng immunity form suit.

“Bakit nais ni Mr. Loza­da ng immunity? Isa pa, ang dahilan ng hinihingii niyang immunity ay walang anu­mang kinalaman sa usa­ping ZTE,” puna ni De Castro.

Sinabi ng abugado ni Lozada, si Ernesto Francis­co, na ang mga pahayag nito sa Senado hinggil sa isang jatropha project na inaprubahan ng testiigo noong ito ay pangulo pa ng Philippine Forest Corp. ay maaaring magdiin sa kani­yang kliyente.

“Yung jatropha project na iyon ay hindi bahagi ng ZTE deal. Kaya’t walang ba­lidong dahilan para ma­ging basehan ito ng hiling na immunity mula sa tran­saksiyon sa ZTE. Isa pa, alam dapat ng sinumang abu­gado na walang ka­pang­yarihan ang Ombudsman na magbigay ng immunity from suit,” ayon kay de Castro.

Binigyang-diin ni de Castro na ang DOJ at ang husgado lamang ang may kapang­yarihang magbigay ng immunity from suit. At mang­yayari lamang ito kung si Lozada ay magiging state witness sa imbes­tigasyon ng Ombudsman. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DE CASTRO

DR. ARTURO

ERNESTO FRANCIS

IMMUNITY

ISA

LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with