^

13 PNP officials puntang Bali

() - April 23, 2008 - 12:00am

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Dir. Gen. Emmanuel R. Carta, de­puty chief for operations, ang delegasyon ng mga top Filipino police officials patungong Bali, Indonesia dahil sa imbitasyon ng Indonesian National Police (INP) sa pagsusulong ng bilateral agreement upang labanan ang transnational crimes. 

Inaasahan na pag-uusa­pan ng dalawang bansa ang pagbuo ng libro o handbook, structural revision pagdating sa edu­kas­yon at pagsasanay ng mga  pulis at ang pagsu­sulong ng PNP-INP joint program ng 2008. 

Noong Nobyembre 18, 2005 ay lumagda ang pam­bansang pulisya ng Pili­pinas at Indonesia ng isang bilateral agreement bilang kooperasyon sa pagpigil at paglaban sa transnational crimes.

Si Carta na tinitingnang papalit kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr. ay nakipagkita kay P/Sr. Supt. Muhamad Nur Usman ng INP para sa 3-araw na pag­pupulong kasama ang 12 PNP officials. (Joy Cantos)

AVELINO RAZON JR. DEPUTY DIR EMMANUEL R INDONESIAN NATIONAL POLICE JOY CANTOS MUHAMAD NUR USMAN NOONG NOBYEMBRE PHILIPPINE NATIONAL POLICE SHY SI CARTA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with