^

Bansa

Villar at Roxas sa 2010

-

Inaasahan na ang pag­sasagupa  nina Senate President Manuel Villar  Jr. ng Nacionalista Party  at Sen. Mar Roxas ng Liberal Party sa 2010 pre­sidential elections mata­pos na parehong pinag-ha­handaan na ng mga ito ang grassroot level ng kani-kanilang partido.

Nakatakdang iluklok ng LP sa ga­ganaping convention nito sa Club Filipino ngayong umaga si Sen. Roxas bilang pangulo ng partido habang pangungunahan naman ni    Sen. Villar sa Miyerkoles ang ika-100 taong ani­bersaryo ng NP na gaganapin naman   sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sinabi ni dating Senate President Franklin Drilon, ang pag-upo ni Roxas  bilang pangulo ng LP ay bilang pagha­handa nito sa kanyang presidential bid sa 2010.

Kabilang sa mga inaa­sahang dadalo sa LP convention ngayong umaga ay sina dating Pangulong Cory Aquino, dating Senate President Jovito Salonga, Judy Araneta Roxas at iba pang LP leaders.

Samantala, pinapalakas na rin ni Sen. Villar ang NP kung saan ay magdaraos ito ng ika-100 anibersaryo sa Miyerkoles ng gabi sa PICC kung saan ay inaasa­hang dadalo ang mga dating NP leaders. (Rudy Andal)

vuukle comment

CLUB FILIPINO

JUDY ARANETA ROXAS

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MIYERKOLES

NACIONALISTA PARTY

PANGULONG CORY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with