^

Bansa

Bangkay ng napatay na Marines pinakasalan ng gf

-

“Till death do us part.”

Ito ang pinatunayan     ni Jenny, nobya ng napa­tay na si Marine Sgt. Rey Ca­lueng, matapos niyang pakasalan ang nobyo   kahit isa na itong bangkay.

Para kay Jenny, hindi hadlang ang kamatayan para patunayan ang kan­yang wagas na pagma­-ma­hal kay Rey.

Sa isang simpleng     se­remonya kamakalawa bago inilibing si Rey ay iki­nasal ang dalawa sa Tu­ guegarao City, Cagayan. 

Si Rey ay kabilang sa 14 miyembro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 na napatay sa isang engkuwentro sa Basilan noong Hulyo 10. Sam­ pu sa kanila ay pinu­gutan pa ng ulo.

Nabatid na bago ma­matay si Calueng ay iti­nakda na nito sa Agosto ang pagpapakasal kay Jenny, tubong Lanao del Sur, upang maging legal ang pagsasama nila. May­roon na silang 3-taong-gulang na anak.

Binigyang diin ni Jenny na kailan­man ay hindi mapapalitan sa kanyang puso ang nobyo na tina­wag niyang bayani dahil sa katapangang ipinakita      sa pagtupad ng tungkulin. (Joy Cantos)

vuukle comment

JOY CANTOS

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MARINE SGT

REY CA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with