^

Bansa

Zubiri  lumamang kay Pimentel

-

Lumaki ang lamang ni Juan Miguel Zubiri ng Team Unity laban kay Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagpapatuloy ng pagbibilang ng National Board of Canvassers sa natitirang mga boto sa nagdaang halalan.

Ipinahiwatig din ng isang opisyal ng Comelec na baka maproklama na ang mananalong pang-12 senador sa loob ng linggong ito. 

Hanggang kahapon ng hapon, si Zubiri ay may kabuuang 10,977,885 boto na. Tuluyan na itong lumamang nang 9,784 laban kay Pimentel na mayroon lamang 10,987,669 boto.

Lumaki ang lamang ni Zubiri kay Pimentel matapos na makakuha ng 12,656 na boto mula sa Bogo, Cebu at 1,216 na boto mula naman sa Pagalungan, Maguin­danao.

Si Pimentel naman ay nakakuha lamang ng 4,434 boto mula sa Bogo  at 740 sa Pagalungan.

Bunsod nito, tuluyan nang nagkapalit ng pwesto sina Zubiri na siya na ngayong nasa pang-12 pwesto habang si Pimentel ang nasa pang-13 na. (Gemma Amargo at Mer Layson)

vuukle comment

GEMMA AMARGO

JUAN MIGUEL ZUBIRI

LUMAKI

MER LAYSON

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PAGALUNGAN

SI PIMENTEL

TEAM UNITY

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with