^

Bansa

Akusasyon ni Peewee itinanggi ni Rep. Dy

-
Mariing pinabulaanan kahapon ni Pasay City Rep. Connie Dy ang akusasyon ng sinibak na alkalde ng lunsod na si Peewee Tri nidad na siya umano ang nasa likod ng mga kasong disqualification na kinakaharap ng huli sa Commission on Elections.

Binira ni Dy ang naglabasang mga ulat sa ilang pahayagan na nagsasabing siya ang may kagagawan ng pagsasampa ng naturang mga kaso dahil nananahimik siya at patuloy na naglilingkod sa lunsod.

Si Dy ang isa sa mga kasalukuyang kalaban ni Trinidad sa pagka-alkalde ng Pasay City sa halalan sa susunod na buwan.

"Bakit sa akin niya ibinibintang lahat ng kanyang mga pagkakamali? Sana, lumaban na lamang siya ng parehas at tigilan na ang pag-iimbento ng mga kwento para lamang makakuha ng simpatiya sa tao," sabi pa ng mambabatas.

Hinamon pa ni Dy si Trinidad na kasuhan siya nito kung talagang may basehan ang mga ibinabatong akusasyon sa kanya ng napatalsik na alkalde.

vuukle comment

BAKIT

BINIRA

CONNIE DY

HINAMON

MARIING

PASAY CITY

PASAY CITY REP

PEEWEE TRI

SI DY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with