^

Bansa

1 pang pari pinatay!

-
Isang pari naman ng Aglipayan Church ang pinatay ng limang hindi nakilalang suspek matapos pagbabarilin at saksakin ito kamakalawa ng umaga sa Surigao del Sur.

Ayon sa ulat na natanggap ng Camp Crame, ang biktima ay nakilalang si Fr. Dionisio Guingguing, 54 anyos, may-asawa, pari ng Philippine Independent Church at nakatira sa Purok Sunkist, Barangay Bajao, Tago, Surigao del Sur.

Iniutos na agad ni Chief Supt. Antonio Nanas, Caraga region police chief, sa Criminal Investigation and Detection Group ang malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ni Fr. Guingguing.

Sa paunang ulat, puwersahang pinasok umano ng 5 kalalakihan ang bahay ng pari na nasa compound ng simbahan bandang alas-5 ng madaling araw kamakalawa.

"The suspect used a pistol and a sundang or bladed weapon that cause the priest’s instant death. Mukhang may malaking galit dun sa pari," wika ni C/Supt. Nanas.

Personal ang motibong tinitingnan ng pulisya sa pagpaslang kay Guingguing na kasamahan ng pinaslang ding si Aglipayan Bishop Alberto Ramento sa Tarlac City noong Oct. 3.

Tulad ni Bishop Ramento, kritiko din ng gobyernong Arroyo si Fr. Guingguing bukod sa aktibong pagtulong nito sa mga aktibista sa kanilang lugar. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGLIPAYAN BISHOP ALBERTO RAMENTO

AGLIPAYAN CHURCH

ANTONIO NANAS

BARANGAY BAJAO

BISHOP RAMENTO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIONISIO GUINGGUING

GUINGGUING

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with