8 PMMA officials kinasuhan sa hazing
September 9, 2005 | 12:00am
Sinampahan ng kasong kriminal sa Sandiganbayan kahapon ang walong opisyal ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa Narciso, Zambales dahil sa pagpayag na magkaroon ng hazing practices sa eskuwelahan kung saan namatay ang isang estudyante noong 2001.
Base sa charge sheet, alam ng mga akusado ang hazing na ginawa ng lahat ng First Class Midshipmen sa biktimang si Fernando Balidoy, Jr. sa indoctrination at orientation ng paaralan. Subalit sa kabila ng kanilang nalalaman ay hindi gumawa ng paraan ang mga akusado para maiwasan ang hazing na nagdulot ng psychological at physical injuries kay Balidoy na naging sanhi ng kamatayan nito. Inirekomenda ang tig-P40,000 piyansa para sa pansamantala nilang paglaya. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended