Ultra left at rightist magsasanib
() - June 27, 2004 - 12:00am
Nakatakda umanong magsanib ang mga tinaguriang ultra left at rightist groups kaugnay ng plano ng mga itong maglunsad ng madugong ‘post election violence’ na naglalayong pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay AFP-Civil Relations Service Chief, Brig. Gen. Victor Corpus, patuloy ang banta ng mga destabilizers upang pabagsakin ang administrasyon na iniumang umpisa sa nakatakdang tradisyunal na "inaugural ceremony" na susundan ng malawakan at marahas na mga pagkilos kasabay sa kilos-protesta ng mga talunang kandidato.

Isiniwalat ni Corpus na pangungunahan umano ang nasabing marahas na mga pagkilos ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng armadong galamay nito sa New People’s Army (NPA).

Base sa kanilang kumpirmadong ulat, inilantad nito ang umano’y pakikipag-alyansa ng makakaliwang hanay sa mga makakanan upang makabuo ng isang solidong puwersa laban sa gobyerno.

Nabatid na ang National United Front Commission (NUFC) ng CPP sa pangunguna ng pinuno nito na si Vicente Ladlad ay bumuo ng pakikipag-alyansa sa rightist group tulad ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), Philippine Guardian Brotherhood Inc. (PGBI), KAWAL at Magdalo na nagpaplanong makapaglunsad ng isang kampanyang magpapatalsik kay Pangulong Arroyo.

Sinabi pa sa report na pagkatapos ng 2004 elections, ang CPP-NPA-NDF ay sasanib sa mga cause-oriented at sectoral groups na sumama naman sa hanay ng oposisyon upang kuwestiyunin at wasakin ang kredibilidad ng nakalipas na botohan. (Ulat ni Joy Cantos)

CIVIL RELATIONS SERVICE CHIEF COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES JOY CANTOS NATIONAL UNITED FRONT COMMISSION NEW PEOPLE PANGULONG ARROYO PHILIPPINE GUARDIAN BROTHERHOOD INC REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA VICENTE LADLAD
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with