^

Bansa

Lacson di gagamit ng artista sa kampanya

-
Iibahin ni opposition presidential candidate Sen. Panfilo Lacson ang istilo ng kanyang kampanya dahil hindi siya gagamit ng mga artista o komedyante para makapaghakot ng tao sa kanyang mga campaign rally.

Inihayag kahapon ni Sen. Lacson na mas pagtutuunan niya ng pansin ang paglalatag ng kanyang plataporma sa mga mamamayan kaysa sa kumanta at magsayaw na ginagawa ng ilang pulitiko.

"I firmly believe that politicians who hire the services of movie actors and comedians in their campaign sorties lack the confidence to gather huge crowds for their rallies," pahayag ni Lacson.

Hindi aniya siya gagaya sa ibang kandidato at mga trapo (traditional politicians) na puro kantahan at sayawan ang ginagawa sa kanilang pangangampanya.

Mas dapat aniyang pagtuunan ng pansin ang pagtalakay sa mga isyu na nakakaapekto sa mga Pilipinong botante dahil ang suliraning kinakaharap ng mga mamamayan ay mas seryoso kumpara sa pagkakaroon nila ng tatlong beses na makakain sa isang araw.

Hindi aniya dapat gawing circus ang presidential campaign dahil seryoso itong bagay.

Pagkatapos ng matagumpay na kick-off rally ni Lacson sa Cavite, nagtungo ang grupo nito kahapon sa Davao provinces at North Cotabato. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

CAVITE

DAVAO

IIBAHIN

INIHAYAG

LACSON

MALOU RONGALERIOS

NORTH COTABATO

PAGKATAPOS

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with