^

Bansa

Erap inilipat na sa Camp Capinpin

-
Bunga ng pagiging "soft target" ng terrorist attacks, inilipat na kahapon ng Philippine National Police (PNP) sa kampo ng Army’s 2nd Infantry Division (ID) sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal si dating Pangulong Joseph Estrada.

Bandang alas-10 ng umaga nang ialis si Estrada sa executive suite nito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ang paglilipat ng kulungan sa dating Pangulo ay isinagawa matapos aprubahan ng Sandiganbayan ang petisyon ng PNP dahil sa intelligence report na nakalap nila na maaaring puwersahin itong kuhanin ng kanyang mga taga-suporta habang abala ang bansa sa pag-aasikaso sa bibisitang si US Pres. George Bush.

Ayon naman kay Police Security and Protection Office C/Supt. Prospero Noble, ang paglilipat kay Estrada ay kasama sa nauna nang desisyon ng korte na maaari siyang ialis sa VMMC sa panahon ng "emergency."

Magugunita na sa kainitan na rin ng Oakwood mutiny noong Hulyo 27 ay inilipat ang dating Pangulo sa compound ng ISAFP at nanatili dito ng 3 oras bago ibinalik sa Veterans.

Ang bago niyang "bahay" sa Camp Capinpin ay malapit lamang sa kanyang resthouse sa bayan ng Taytay.

"Okay lang, huwag kayong mag-aalala. Mababait ang mga kasama kong pulis. Sa Veterans hindi ako naaarawan, doon maaarawan na tayo," sabi ni Estrada.

Hindi naman tiyak kung gaano katagal mananatili si Estrada sa Camp Capinpin. Sa guest house para sa VIP siya mag-i-stay.

Nilinaw naman ni Pangulong Arroyo sa isang pahayag na hindi na kailangan ng PNP ang pemiso ng Malacañang para sa paglilipat sa Camp Capinpin kay Estrada.

"This is an operational matter that does not need clearance from the Palace," anang Pangulo.

Anya, ang kaligtasan at seguridad ni Estrada ay nakasalalay na ngayon sa determinasyon ng PNP. (Ulat ng PSN Reportorial Team)

vuukle comment

CAMP CAPINPIN

ESTRADA

GEORGE BUSH

INFANTRY DIVISION

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with