^

Bansa

Sen. Loi, Jude idinawit sa kudeta

-
Idinawit na rin sa kasong rebelyon sina Senator Loi Ejercito Estrada at anak na si Jude Estrada na tumulong umano sa mga young officers sa isinagawa nitong pag-aaklas matapos matukoy na pag-aari nito ang mga ginamit na van ng ilang supporters ng Magdalo group na narekober sa Cavite.

Sa ginanap na unang imbestigasyon ng Feliciano Fact-Finding Commission kahapon, sinabi ni National Security Adviser Roilo Golez na kabilang sa mga ebidensiyang nakalap ang sasakyang naharang ng PNP-Cavite na sinasabing naglalaman ng mga baril at hinihinalang dadalhin sa mutineers sa Oakwood Hotel. Ito umano ay nagtataglay ng senate sticker o kay Loi.

Gagamitin ring ebidensiya ang mga sulat at resibo na ginamitan lamang ng mga alyas habang pinag-aaralan pa rin ang koneksiyon ni Jude na siyang nagmamay-ari ng nasabing van na pag-aari ng korporasyon o kumpanyang kinaaniban nito.

Iniharap rin ni Maj. Gen. Pedro Cabuay sa komisyon ang ebidensiya nilang disket na mag-uugnay sa ilang pulitiko at sibilyan na pinaniniwalaang nasa likod ng pag-aaklas ng mga junior officers.

Pinayuhan naman ni Justice Feliciano si Cabuay na ibunyag na lamang ang mga sinasabi nitong pangalan ng pulitiko, sibilyan at negosyante na nasa disket sa isang executive session na ipagpapatuloy sa araw na ito sa Camp Aguinaldo.

Mahigit 500 sundalo ang naatasang magbigay ng seguridad sa Camp Aguinaldo kung saan ay haharap sa komisyon ang walong mutineers sa pangunguna ni Lt/Senior Grade Antonio Trillanes.

Napagkasunduan naman ng mga batang opisyal na huwag magbigay ng anumang pahayag kahit patawan pa sila ng contempt kung hindi isasapubliko ang gagawing pagdinig.

Kaugnay nito, siniguro naman ni Senate President Franklin Drilon na tuloy ang isasagawang imbestigasyon ng senate committee of the whole bukas at haharap ang walong mutineers. (Ulat nina Rudy Andal/Ludy Bermudo/Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

CAVITE

FELICIANO FACT-FINDING COMMISSION

JOY CANTOS

JUDE ESTRADA

JUSTICE FELICIANO

LUDY BERMUDO

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

OAKWOOD HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with