^

Bansa

Pagkabangkarote ng Velarde account ipapasagot sa bangko

-
Pipigain ng prosecution panel ang pamunuan ng PCI-Equitable bank upang malaman kung paano na-withdraw ang may P3.2 bilyon sa kontrobersiyal na Jose Velarde account.

Ayon kay Senior State Prosecutor Alex Padilla, isang motion for disclosure ang kanilang inihanda para hilingin sa Sandiganbayan na ipatawag ang pamunuan ng PCI-Equitable bank dahil sila lamang umano ang makapagbibigay linaw upang malaman kung sino, kailan at papaano nailabas ang may P3.2 bilyon sa kontrobersyal na account kung saan P2,770.69 na lamang ang natitira mula sa dating laman na P500 milyon.

Naniniwala naman si Assistant Ombudsman Dennis Villa Ignacio na hindi maaring si Jaime Dichavez ang nag-withdraw ng naturang halaga dahil matagal nang pinaghahanap ito ng batas.

Si Dichavez ang sinasabing best friend ni Estrada na umako na siya ang nagmamay-ari ng Jose Velarde account para lamang mailigtas ang dating pangulo sa mga anomalyang kinasangkutan nito.

Posible umano na ang nasabing pera ay ini-withdraw sa pamamagitan ng isang representante na dapat lamang malaman ng taumbayan ngayon ang tunay na kasagutan.

Dahil sa nangyaring pagwi-withdraw sa Velarde account ay higit anyang lalakas ang ebidensiya ng prosekusyon upang lalong madiin sa kaso si Estrada. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ASSISTANT OMBUDSMAN DENNIS VILLA IGNACIO

AYON

DAHIL

JAIME DICHAVEZ

JOSE VELARDE

MALOU ESCUDERO

NANINIWALA

PIPIGAIN

SENIOR STATE PROSECUTOR ALEX PADILLA

SI DICHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with