^

Bansa

Nuke plant gamitin na - Phivolcs

-
Iminungkahi kahapon ni Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Raymundo Punongbayan na napapanahon na upang gumamit ang bansa ng nuclear power plant para hindi na maranasan ang matinding pagkawala ng suplay ng kuryente sa Luzon.

Sinabi ni Punongbayan na kaya nilang pangasiwaan na paganahin at i-operate ang nuclear power plant at ito ay malaking tulong para makaiwas ang Luzon sa matinding blackout.

Binatikos din niya ang mga environmentalist na humahadlang sa pagpapagamit sa plantang nukleyar sa bansa.

Ayon kay Punongbayan, pang-short term lamang ang iniisip ng mga environmentalist gayong ang kanilang iniisip ay pangmatagalan.

Ilalagay naman anya ang plantang ito sa mas ligtas na lugar na walang maapektuhang mamamayan at kapaligiran dahil kailangan lamang dito ay pangasiwaan ng maayos para hindi makaapekto sa sinuman.

Isa ang Bataan Nuclear Power Plant na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa napapakinabangan matapos na gumastos dito ang pamahalaan ng bilyong piso mula sa kaban ng bansa. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

BINATIKOS

CRUZ

DIRECTOR RAYMUNDO PUNONGBAYAN

ILALAGAY

LUZON

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PUNONGBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with