^

Bansa

Ador sinamahan ng pamilya sa piitan

-
Dahil sa pagkakapiit sa detention room ng Senado ni dating PAOCTF agent Angelo "Ador" Mawanay, sinamahan siya ng kanyang pamilya at kahapon ay dito na rin nagdaos ng ika-4 na taong kaarawan ang kanyang anak na si Mik-Mik kasama ang kanyang maybahay.

Ayon kay Mawanay, dalawang cake at ice cream ang naging handa ng kanyang anak at naging bisita nila sina Volunteers Against Crime and Corruption(VACC) Chairman Dante Jimenez, abogadong si Atty. Argee Guevarra ng Sanlakas at ibang mga kaanak at kaibigan ng kanyang pamilya.

Niliwanag pa rin ni Mawanay na wala siyang hinanakit sa kahit sinumang senador kahit na siya umano ay inilagay sa Senate custody makaraang akusahan nito si Sen. Loren Legarda na bumili sa kanya ng 1,000 smuggled cellphones. (Ulat ni Rudy Andal)

ANGELO

ARGEE GUEVARRA

AYON

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

DAHIL

LOREN LEGARDA

MAWANAY

MIK-MIK

NILIWANAG

RUDY ANDAL

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with