GMA nagpasalamat sa 'Gloria Labandera'
May 5, 2001 | 12:00am
Imbes mainsulto, nagpasalamat pa si Pangulong Arroyo nang tawagin siyang "Gloria Labandera" ng mga Erap loyalists.
Ayon sa Pangulo, hindi niya ikinahihiya ang taguring ito sa kanya dahil siya ay totoong may lahing labandera kung saan ang kanyang ama ay nagmula sa isang pamilyang mahirap at ang lola niya sa ama ay naging isang labandera.
"Kaya noong nanonood ako doon sa nagaganap sa EDSA 3 at tinatawag nila akong Gloria labandera bilang insulto, ipinagmamalaki ko pa at salamat sa kanila. Akala ko ba para sila sa mahihirap bakit iniinsulto nila ang labandera?" pahayag ng Pangulo.
Ang awit na Gloria Labandera ang ginawa umanong national anthem ng mga nag-rally sa EDSA. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest