^

Dr. Love

Sa loob ng kuwarto…

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Nahuli kasama ang bf

Dear Dr. Love,

Pinagalitan ako ng papa ko dahil pag-uwi niya sa bahay maaga pa noon mga 2pm, kumatok siya sa kwarto ko para alamin kong may tao. Wala noon si mama nasa mga lola ko. Sumagot ako at naghintay naman si papa. Pero hindi ako makalabas dahil kasama ko ang bf ko sa loob.

Naglakas loob akong lumabas at nasilip niya ang bf ko. Hayun bigla na lang siyang nagalit at sinabihan kaming huwag naming gawing motel ang bahay namin. Actually wala naman kaming masamang ginawa natulog lang kami ng bf ko sa kwarto dahil puyat kami sa kakagawa ng research ko. Lagot kami kay papa.

Nahiya nga ang bf ko parang ayaw nang pumunta ng bahay namin. Simula noon hindi ko na siya pinapapunta sa bahay namin. Kaso ako naman ang ayaw nang payagang gabihin kapag umaalis ako.

Mahal ko naman ang parents ko at gusto rin naman sundin ang gusto nila, nagkataon lang na may tinatapos kami noon.

Nina

Dear Nina,

Ayaw ng mga magulang na masira ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Lalo na pagdating sa mga anak na babae…‘yung mabuntis agad ang anak nila at hindi makatapos ng pag-aaral.

Kahit sinong ama ay magugulat at makapag-iisip ng hindi maganda kung hindi pa naman kayo mag-asawa at nagtatabi na kayo sa higaan, kahit sabihin nating wala naman nangyari sa inyo. Hindi maganda lalo na sa mata ng iba.

Ok sana na hindi mo papuntahin ang bf mo sa inyo, pero mainam din magpaalam ka kung pwede siyang dumalaw sa inyo. Pakiusapan mo lang muna ang bf mo na unawain niya ang kalagayan ninyo.

Bawe ka muna sa papa mo at hangga’t maaari paalam mo sa kanila ang mga concern mo at mga balak mo. Para hindi rin sila nag-aalala sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

BF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with