^

Dr. Love

Ayaw pa ng commitment

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ode. Masaya ako sa kaibigan kong si Mark. Lagi kaming magkasama simula nung high school pa. 

Alam na niya lahat ang tungkol sa akin at ang ugali ko. Masaya ako lalo na kapag may problema ako, matiyaga kasi siyang nakikinig sa akin.  Lagi niya akong binibiro. Pero paano kung ligawan niya ako? 

Akala ko nagbibiro lang siya, ‘yun pala seryoso siya. Hindi pa ako ready sa commitment.

Nagulat ako sa kanya, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote n’ya at kung bakit pinapatos na n’ya ako.  

Alam naman niyang hindi kami talo. Ito pa ang matindi, pinamamalita na niya sa kanila na boyfriend ko siya. 

Sinabihan ko siya na itigil na niya dahil hindi pa ako handa sa isang relasyon.  Baka kasi magbago ang turingan namin. 

Ode

Dear Ode,

Nangyayari talaga na magkaibigan sa simula tapos nagiging  “sila” at nagbabago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. 

Pero hindi naman lahat, dahil depende naman ito sa inyong dalawa. Mag-usap kayo. Madalas naman ang isyu ay selos at marami na ang ipinagbabawal. ‘Yan ang mga pwede ninyong linawin sa bawat isa. Para kung ma-ging kayo na, eh maiwasan ang mga problemang maaari ninyong harapin.

 Matuto kayong makinig sa isa’t isa at sa payo ng mga mas nakatatanda sa inyo. 

Kayo ang gagawa ng inyong love story. Ituloy lamang ninyo ang inyong magandang pagsasamahan.

Huwag kang matatakot, kilala mo na si Mark kaya madali mo na siyang mapapaliwanagan kung may gusto kang ipagawa o ipagbawal sa kanya.

DR. LOVE

 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with