^

Banat Palaro

Bolts binawian ang Gin Kings sa game 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts binawian ang Gin Kings sa game 2
Sumalaksak si Allein Maliksi ng Meralco laban kay Ralph Cu ng Ginebra sa Game 2.
PBA Image

MANILA, Philippines —  Binawian ng Meralco ang Barangay Ginebra matapos kunin ang 103-91 panalo sa Game Two ng Season 48 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Itinabla ng Bolts sa 1-1 ang kanilang best-of-seven showdown ng Gin Kings na nagwagi sa Game 1, 92-88.

Humataw si Allein Maliksi ng 25 points, ang 14 ay iniskor niya sa first half, para pamunuan ang Meralco.

“I think Game One is more important than Game Two. But if we lose, then you are down two,” ani coach Luigi Trillo. “It’s just one game. We made it now just a best-of-five. We know that Ginebra is going to be back.”

Nasayang naman ang career-high 41 points ni Christian Standhardinger sa panig ng Ginebra na nakahugot kay Maverick Ahanmisi ng 14 markers.

Ang layup ni Chris Newsome ang nagbigay sa Bolts ng 13-point lead, 55-42, sa huling 21 segundo bago ang halftime patungo sa pagtatala ng 60-43 bentahe sa pagsisimula ng third quarter.

Isang 16-4 atake ang ibinagsak ng Gin Kings tampok ang 12 points ni Standhardinger para makalapit sa 59-64 bago naagaw ang 72-70 bentahe sa huling 47 segundo ng nasabing yugto.

Mula sa 91-97 agwat ng Ginebra sa huling 2:41 minuto, nagbaba ng 6-0 ratsada ang Meralco sa pagtutulungan nina Chris Banchero at Bong Quinto ang naglayo sa Bolts sa 103-91 sa nalalabing 58.7 segundo ng laro.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with