^

Balita Ngayon

Ipinakulong ni Napoles na kasambahay, laya na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalaya na ng Makati Regional Trial court ang dating kasambahay ng umano’y utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles ngayong Biyernes.

Ibinasura ng branch 145 ng Makati City RTC ang kasong qualified theft kay Dominga Cadelina na isinampa ni Napoles.

Ilang buwan din nakulong si Cadelina matapos akusahan ni Napoles nang pagnanakaw ng mamahaling underwear at jacket.

Sinabi ni Levito Baligod noong Agosto 30, abogado ng pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy, na na-frame-up si Domingo ni Napoles.

Kaugnay na balita: Napoles kasama ang dating kasambahay na ipinakulong

Dagdag niya na nang umalis si Domingo bilang kasambahay ay binigyan siya ni Napoles ng mga damit na nagkakahalaga ng P200,000 bilang “farewell” gift.

"Pinalabas na lamang nila na yung underwear at jacket... na ninakaw daw niya," pahayag ni Baligod.

Nang ikulong si Napoles sa Makati city jail para sa kasong serious illegal detention ay nakasama niya si Domingo ngunit magkahiwalay ng selda.

Inilagay sa isang kuwartong may aircondition si Napoles at hiwalay kay Domingo.

"Small, may lumang sofa, white na sahig, air-conditioned at basically isang desk," paglalarawan ni  Interior secretary Mar Roxas sa “selda” noon ni Napoles.

Kasalukuyang nakakulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City Laguna at nahaharap sa kasong plunder na inihain ng Department of Justice.

vuukle comment

BENHUR LUY

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOMINGA CADELINA

DOMINGO

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

LEVITO BALIGOD

MAKATI CITY

MAKATI REGIONAL TRIAL

MAR ROXAS

NAPOLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with