^

Balita Ngayon

Marquez o Bradley vs Pacquiao sa Setyembre - Arum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines (AP) – Dalawang dating katunggali ang pinagpipilian na makakalaban ni Manny Pacquaio sa bagong venue sa darating na Setyembre, ayon sa kanyang promoter.

Sinabi ni Bob Arum na sinusubukan pa rin niyang maikasa ang panlimang pagkikita ni Pacquiao at ng matindi nitong karibal na si Juan Manuel Marquez. Aniyam maaaring gawin ang laban sa mga casino sa Macau at Singapore.

 "The thing we're waiting on is which one of their hotels they want to do it at," pahayag ni Arum habang nasa laban ni Brandon Rios-Mike Alvarado.

Una pa rin sa listahan si Marquez pero hindi iniisantabi ni Arum na ang posibilidad na muling isabong si Pacquaio kay Timothy Bradley – na nanalo ng disputed decision kay Pacquiao noong nakaraang taon.

Pinatumba ni Marquez si Pacquiao sa pang-anim na round nitong Disyembre, kung saan kumonekta ang kanan ng Mexicano na nagpahiga sa Sarangani Representative ng halos dalawang minuto sa canvas. Ito ang unang panalo ni Marquez sa apat nilang laban ni Pacquaio.

Kung makakabangga muli ni Pacquaio si Marquez maaari itong gawin sa Las Vegas, kung saan ginawa lahat ng kanilang laban. Pero ang MGM Grand Hotel na lagi nilang pinagdadausan ay napabalitang gagamitin para sa laban ni Floyd Mayweather Jr. kung sakaling mananalo ito kay Robert Guerrero sa May 4.

vuukle comment

BOB ARUM

BRANDON RIOS-MIKE ALVARADO

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND HOTEL

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MANNY PACQUAIO

MARQUEZ

PACQUAIO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with