^

PSN Showbiz

Vic at Pauleen tinatrabahong magka-baby sa Africa! Nora Aunor todo emote sa Senado!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos mapag-usapan ang pagkaka-link ni Martin del Rosario kay Mr. Fu, nagkatawagan pala ang dalawa para linawin ‘yung isyu. Nag-text si Mr. Fu kay Martin at nag-sorry na nagkaroon sila ng malisyosong intriga na nagkatikiman daw sila sa halagang 30K.

Tumawag si Martin kay Mr. Fu at natatawa na lang. Nagulat na lang daw siya kung bakit may ganung isyung lumabas nung mag-presscon sa bagong afternoon drama nila sa GMA-7 na Pinulot Ka Lang sa Lupa.

Nagtataka raw si Martin kung saan nangga­ling ang ganung intriga na wala namang katotohanan. Ayaw na lang daw niyang isipin pa kung makakatulong ba ito sa promo ng Pinulot Ka Lang sa Lupa na magsisimula na sa January 30.

PAK: Sa Africa ang first wedding anniversary honeymoon ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. First time nilang mag-Africa kaya kakaibang experience raw ito sa kanila.

Iisa lang naman ang wish ng mag-asawang Vic at Pauleen sa unang taon ng kanilang pagpapakasal na isi-celebrate nila sa January 30. Sana raw ay magkaroon na sila ng baby.

Malay natin baka magiging made in Africa ang kanilang first baby? Nabanggit ng mag-asawa nu’ng ikinasal sila na ayaw na lang daw nilang magpa-pressure. Ang gusto lang nila ay magbiyahe nang magbiyahe para magkaroon sila ng time sa isa’t isa.

BOOM: Uminit ang talakayan sa Senado nang magpatawag ng hearing si Sen. Tito Sotto kahapon para pag-usapan ang ipinu-propose niyang Philippine Senate Resolution na magkakaroon ng sariling filmfest ang MMDA para sa indie films na hiwalay sa mainstream.

Natalakay ang halos lahat na isyung napag-usapan sa naka­raang Metro Manila Film Festival (MMFF) na dinaluhan ng lahat na mga taong involved.

Si Nora Aunor ang isa sa mga dumalo at doon niya inilabas ang hinaing sa producer at direktor ng pelikulang Oro.

Hindi lang ang isyu on animal rights violation ang inimbestigahan sa Oro kundi ang sinasabi ni Nora na basta na lang siya tinanggal sa pelikula na wala man lang pasabi.

Sinabi pa niyang nagsisinungaling ang direktor pati ang producer ng Oro tungkol sa sinasabi nilang hindi sila ang pumatay ng aso, dahil sabi ni Ate Guy na nasa script naman daw talaga ng eksena na papatayin ang isang aso. Kay John Rendez pa nga raw sana ito ipapagawa pero tumanggi si John. Pero kinorek ito ni direk Yapan na hindi daw iyon ang role na dapat ay para kay John.

Ang isa pa ngang inirereklamo ni Nora ay ang basta-bastang pagkakatanggal sa kanya sa pelikula. Nalaman na lang daw niya sa isang kaibigan na taga-Bicol na sinabi sa kanyang si Irma Adlawan na ang kinuhang lead actress kapalit niya.

Ilang beses na sinabihan ni Nora na sinungaling ang produ­cer at ang direktor ng pelikula, dahil hindi naman daw conflict sa schedule ang sinasabi nilang dahilan.

Bahagi ng paghihimutok ni Ate Guy, “Wala po silang sinasabi sa akin ni ha ni ho wala po silang ginagawa. Hanggang text lang po sila sa akin na ang dahilan sa text ng line producer ay hindi na raw makatagal sa akin ‘yung direktor kasi hindi na raw ako makamemorya ng linya.

“Tama po ba naman ‘yun? Siguro kung direktor ka, sabihin ko naman na ang haba naman nitong linya, na hindi naman ganun kahaba ang linya ko. Bakit bigla na lang akong alisin kung iyun naman ang kanilang dahilan na wala naman silang sinasabi sa akin na ibang dahilan na nalaman ko na lang po sa ibang tao.”

Isa iyon sa napag-usapan sa hearing na dapat huwag daw tratuhin ng ganun ang mga artista at huwag paasahin sa isang trabaho na hindi na pala siya ang kinuha.

Inilabas din ni Nora na magpi-fifty years na siya bilang artista, tapos ginawa pa ito sa kanya.

vuukle comment

MARTIN DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with