^

Dr. Love

Kinukuwartahan?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Mapagpalang araw sa iyo, Dr. Love. Didiretso na ako sa aking punto. Tawagin mo na lang akong Rupert, 54 anyos at isang binatang negosyante.

Dahil sa pagnenegosyo ay nawala sa isip ko ang pag-aasawa hanggang dumating ako sa puntong matanda na nang makakita ng partner. Hindi ko na sasabihin ang pangalan niya. Nagsasama kami for almost one year at pinag-aaral ko siya. She is only 20 years old.

Siguro ay mali ang ginagawa kong pagpapalayaw sa kanya. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay ko dahil kaya ko naman. Pero nakakahalata na ako. Humingi siya ng pambili ng bagong cellphone, wala naman akong nakita. Madalas din na hingan niya ako ng dagdag na allowance. Minsan ay kinukwenta ko, umaabot din ng kuwarenta mil ang naibibigay ko sa kanya sa isang buwan, bukod pa sa pang-matrikula niya at allowance. Mayroon siyang lumang cellphone at minsang naiwanan niya, nakakita ako ng text message mula sa isang lalaki na very sweet ang mga salita. Malaki ang allowance na ibinibigay ko sa kanya.

May hinala ako na hindi niya talaga ako mahal kundi kinukuwartahan lang ako. Pagpayuhan mo ako.

Rupert

Dear Rupert,

Ano pa ba ang maaasahan ng isang matandang kagaya natin kapag nakipagrelasyon tayo sa batambata? Malamang nga ay tumpak ang hinala mo.

Baka nga ay financial security lang ang hanap niya dahil sa pamamagitan mo ay naaabot niya ang kanyang ambisyong makapag-aral. Mukhang willing victim ka naman kaya harapin mo ang katotohanan. Pambihira ang pangyayaring ang isang batambata ay iibig sa isang matanda.

Dalawang bagay ang pagpilian mong gawin: iwanan mo siya o ipagpatuloy mo ang relasyon pero huwag kang umasang susuklian ka ng tunay na pag-ibig. Humanda ka rin na maging isang palabigasan.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with